NTC pinagpapaliwanag ng komite sa Kamara sa ginawang pagpapatigil sa operasyon ng ABS-CBN
Inatasan ng House committee on legislative franchises ang mga opisyal ng National Telecommunications Communication (NTC) na magpaliwanag kung bakit hindi ito dapat mapatawan ng contempt sa pagpapahinto sa operasyon ng ABS-CBN.
Sa inilabas na order ni Palawan Rep. Franz Alvarez na pinuno ng komite, binigyan lang ng 72 oras ang NTC para maglabas ng paliwanag.
Ito ay kasunod ng pag-iisyu ng cease and desist order ng NTC sa network.
Ayon kay Alvarez, ang ginawa ng NTC ay nagdulot ng “undue interference” at maituturing na “disobedience” sa Kamara.
Kabilang sa pinagpapaliwanag sina NTC Commissioner Gamaliel Cordoba, Deputy Commissioner Edgardo Cabarios, Deputy Commissioner Delilah Deles, at Legal Branch Head Ella Blanca Lopez.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.