Lambanog na sinuri ng FDA mula Dasmariñas, Cavite nakitaan ng mataas na antas ng methanol
Mataas ang methanol content na nakita ng Food and Drug Administration (FDA) sa isang brand ng lambanog na sinuri nito mula sa Dasmariñas City, Cavite.
Sinuri ng FDA ang brand na “BOSSING TUMADOR” Lambanog, matapos ang ulat mula sa City Health Office ng Dasmariñas na may mga nasawi sa lungsod dahil sa pag-inom nito.
Sa walong samples ng lambanog na kinulekta mula sa iba’t ibang barangay sa lungsod, tatlong samples ng “BOSSING TUMADOR” Lambanog ang nagtataglay ng 10.5%, 17.8% at 18.1% na methanol.
Ang methanol ay kemikal na ginagamit bilang solvent sa chemical synthesis at fuel.
Ang pag-inom ng mataas na antas nito ay delikado sa katawan ng tao.
Kaugnay nito, nagbabala ang publiko na iwasan ang pagbili ng mga hindi rehistradong lambanog.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.