Lahat ng residente ng Makati tatanggap ng P5,000 tulong mula sa LGU

Tatanggap ng P5,000 tulong pinansyal mula sa lokal na pamahalaan ang lahat ng residente ng Makati City.

Bahagi ito ng P2.7 Billion na Makatizen Economic Relief Program ng lungsod.

Maaring makatanggap ng benepisyo ang mga residente na edad 18 pataas at nakatira sa lungsod at relocation sites ng Makati na nasa Calauan Laguna at San Jose Del Monte Bulacan.

Kailangang mayroong alinman sa tatlo:

– Makati Cardholder
– Yellow Cardholder
– Botante sa Makati

Ang ayuda ay para sa bawat residente.

Ibig sabihin ayon kay Makati City Mayor Abby Binay, kung mag-asawa, tatanggap sila ng P10,000.

Kung ang mag-asawa ay mayroong isang anak na edad 18 pataas ay kabuuang P18,000 ang kanilang tatanggapin.

Maaring mag-apply para sa nasabing ayuda gamit ang Makatizen App.

Puntahan lamang ang “MAKA-Tulong Icon sa App at sagutan ang mga katanungan sa application form.

 

 

Read more...