Mga permit ng mga electric cooperatives ipinamamadali sa DOE at ERC para maiwasan na ang brown outs sa Mindoro

By Erwin Aguilon May 11, 2020 - 10:14 AM

Pinamamadali na ni Bayan Muna Rep. Carlos Zarate sa Department of Energy (DOE ) at sa Energy Regulatory Commission (ERC) ang kinakailangang mga rekomendasyon at permits ng electric cooperatives sa Mindoro provinces.

Ito’y para maiwasan ang madalas na brown out sa lalawigan lalo na ngayong tinamaan pa ito ng lindol.

Ayon kay Zarate, simula noong Abril ay maya’t maya ang brown out sa Oriental Mindoro dahil sa system adjustments at mababawang turnout ng renewables gaya ng wind at hydro power.

Mabuti na lang anya at nareremedyuhan ito kahit paano ng Oriental Mindoro Electric Cooperative (ORMECO) sa tulong ng Power One noong panahon ng enhanced community quarantine.

Pero ngayong ibinaba na ang lalawigan sa general community quarantine, bumalik na naman ang rotational brownouts dahil marami nang nagbukas na mga establisyimento.

Sabi ng kongresista, base sa natanggap nilang reports, kailangan ang permits at recommendations mula sa DOE at ERC para matiyak ang stable na supply ng kuryente sa lalawigan.

 

 

 

 

TAGS: Carlos Zarate, DOE, erc, Mindoro, power supply, Carlos Zarate, DOE, erc, Mindoro, power supply

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.