Mahigit 14,400 na OFWs naisailalim na sa COVID-19 tests
Umabot na sa 14,418 na land-based at sea-based Overseas Filipino Workers (OFWs) ang naisailalim sa COVID-19 tests ng Sub-Task Group for the Repatriation of OFWs.
Isinagawa ang tests sa 1,118 na OFWs sa mga quarantine facilities at 556 ang kinuhanan ng samples sa Palacio de Maynila Testing Center.
Kahapon, araw ng Linggo (May 10) ay umabot sa 1,647 na OFWs ang naisailalim sa tests.
Mananatiling naka-isolate ang mga OFW habang hinihintay ang test results nila.
Iisyuhan din sila ng quarantine clearance sa sandaling mag-negatibo sa tests.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.