Bigtime oil price hike ipatutupad ng mga kumpanya ng langis bukas

By Dona Dominguez-Cargullo May 11, 2020 - 08:59 AM

May malakihang dagdag sa presyo ng produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis bukas, araw ng Martes (May 12, 2020).

Nauna nang nag-anunsyo ng halaga ng ipatutupad na dagdag presyo ng kumpanyang Shell at Seaoil.

Ayon sa Shell at Seoil alas 6:00 ng umaga bukas, tataas ng P2.00 kada litro ang presyo ng gasolina, P1.90 ang presyo ng kada litro ng diesel at P1.25 ang taas sa presyo ng kada litro ng kerosene.

Ngayong maghapon inaasahang mag-aanunsyo ng parehong halaga ng oil price increase ang iba pang kumpanya ng langis.

Ang bigtime oil price hike ay resulta ng pagbabawas sa oil production sa buong mundo.

 

 

TAGS: Bigtime oil price hike, BUsiness, Inquirer News, News in the Philippines, oil price hike, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Bigtime oil price hike, BUsiness, Inquirer News, News in the Philippines, oil price hike, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.