6 na BJMP personnel, 8 preso kabilang sa mga bagong kaso ng COVID-19 sa Zamboanga City
Nakapagtala ng labingapat na bagong kaso ng COVID-19 sa Zamboanga City.
Ang 14 na bagong COVID-19 cases sa lungsod ay kinabibilangan ng 6 na tauhan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) at 6 na persons deprived of liberty (PDLs).
Sa ngayon ay nasa isolation area na sila ng Zamboanga City Reformatory Center.
Ayon kay Zamboanga City Mayor Beng Climaco, sa ngayon umabot na sa 74 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lungsod.
Ani Climaco, pawang stable naman ang kondisyon ng mga preso at BJMP personnel.
Simula noong May 3 ay ngayon lamang muli nakapagtala ng bagong kaso ng COVID-19 sa Zamboanga City.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.