25-day old na sanggol pumanaw sa COVID-19 sa Davao City

Isang 25-day old na sanggol sa Davao City ang nasawi dahil sa COVID-19.

Ayon sa Department of Health (DOH) Davao Region, ang lalaking sanggol ay mula sa Barangay 23-C.

Iniimbestigahan na ng DOH Region 9 ang history ng exposure ng sanggol.

Pero ang ospital kung saan ipinanganak ang bata ay mayroong mga positibong kaso ng COVID-19.

May 7 nang dalhin sa Southern Philippines Medical Center ang bata dahil sa LBM at lagnat.

Makalipas ang dalawang araw ay pumanaw ito.

Ang Barangay 23-C ay una nang isinailalim sa lockdown matapos magkaroon ng kaso ng COVID-19 dahil maraming populasyon ang barangay at pinangangambahan ang mabilis na pagkalat ng sakit doon.

 

 

Read more...