Health workers na apektado ng COVID-19, 1,991 na

By Angellic Jordan May 10, 2020 - 07:20 PM

Umakyat na sa 1,991 ang bilang ng healthcare workers na nagpositibo sa COVID-19 sa Pilipinas.

Ayon sa Department of Health (DOH) hanggang May 9, 1,413 sa 1,991 ang aktibong kaso ng nakakahawang sakit.

Sa nasabing bilang, 407 ang asymptomatic, 999 ang mild at pito ang may severe condition.

Narito ang naitalang kaso sa mga sumusunod na health worker:
– Physician o doktor – 628
– Nurse – 753
– Nursing Assistant – 127
– Medical Technologist – 72
– Radiologic Technologist – 39
– Non-medical staff – 158

Umabot na sa 544 ang total recoveries sa mga health worker habang 34 naman ang pumanaw.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.