Claveria, Masbate niyanig ng magnitude 4.2 na lindol

Niyanig ng magnitude 4.2 na lindol ang lalawigan ng Masbate.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 19 kilometers Southeast ng Claveria, alas-3:56 madaling araw ng Linggo (May 10).

May lalim na 5 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Wala namang naitalang pagkasira sa mga ari-arian, intensities at aftershocks.

Read more...