Occ. Mindoro niyanig ng M5.4 na lindol; pagyanig naramdaman sa Metro Manila
(UPDATED AS OF 1:00PM, Sunday) Niyanig ng magnitude 5.4 na lindol ang bayan ng Lubang sa Occidental Mindoro.
Batay sa earthquake information no. 3 ng Phivolcs, naitala ang lindol sa layong 22 kilometers northeast ng Lubang alas 3:18 ng umaga ng Linggo, May 10.
May lalim na 82 kilometers ang lindol at tectonic ang origin.
Naramdaman ang lindol sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila.
Narito ang mga naitalang intensities ng Phivolcs:
Intensity V – Lubang, Occidental Mindoro
Intensity IV – Taal at Lemery, Batangas; General Trias at City of Imus, Cavite; Obando, Bulacan; Makati City; Manila; Navotas City, Las Piñas City; Parañaque City
Intensity III – Looc at Mamburao, Occidental Mindoro; Calapan at Puerto Galera, Oriental Mindoro; Calatagan at Lipa, Batangas; Malabon City; Mandaluyong City; Pasay City; Pateros; Quezon City; Marikina City; Pasay Cityl Muntinlupa City; Valenzuela City at Taguig City; Tagaytay City, Bacoor City at Dasmariñas City, Cavite; Meycauayan at San Jose Del Monte, Bulacan; Lubao, Pampanga
Intensity II – San Juan City at Caloocan City; Gapan City, Palayan City at Cabanatuan City, Nueva Ecija; Baler, Aurora; Alaminos City, Pangasinan
Intensity I – San Jose City at Science City of Muñoz, Nueva Ecija; Guinayangan, Quezon
Instrumental Intensities:
Intensity IV – Calatagan, Batangas; Malolos City, at San Ildefonso, Bulacan; Navotas City
Intensity III – Calapan City, Oriental Mindoro; Talisay, Batangas; Bacoor City, at Tagaytay City, Cavite; Muntinlupa City; Guagua, Pampanga
Intensity II – Magalang, Pampanga; San Juan City
Intensity I – San Jose, Occidental Mindoro; Palayan City, at San Jose City, Nueva Ecija; Gumaca, Quezon; Baler, Aurora
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.