Bilang ng Filipino sa abroad na gumaling sa COVID-19, sumampa na sa higit 600; 66 ang nadagdag

By Angellic Jordan May 09, 2020 - 05:18 PM

Nadagdagan nang 66 ang bilang ng mga Filipino na gumaling sa COVID-19 sa ibang bansa.

Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang May 9, 640 na overseas Filipinos na ang naka-recover sa nakakahawang sakit o na-discharge na sa ospital.

Umakyat naman sa 2,178 ang mga kumpirmadong positibo sa COVID-19 na Filipino mula sa 46 na bansa at rehiyon.

Sa nasabing bilang, 1,285 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.

Nasa 253 naman ang bilang ng Pinoy abroad na pumanaw dahil sa COVID-19.

Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na OF sa bahagi ng Europa na may 651 na kaso.

Sumunod dito ang Middle East/Africa na may 616 confirmed COVID-19 positive cases na OF.

Nasa 523 naman ang kaso sa Americas at 388 sa Asia Pacific Region.

TAGS: COVID-19 affected overseas Filipinos, DFA COVID-19 monitoring, Inquirer News, latest news on COVID-19, Radyo Inquirer news, COVID-19 affected overseas Filipinos, DFA COVID-19 monitoring, Inquirer News, latest news on COVID-19, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.