Swab at rapid testing sa Maynila, tuluy-tuloy pa rin
Patuloy ang pag-arangkada ng swab at rapid testing para sa COVID-19 sa Lungsod ng Maynila.
Ayon sa Manila Public Information Office base sa datos ng MHD at MEOC, nasa 3,898 na ang kabuuang bilang ng naisagawang swab test mula April 13 hanggang May 8.
Sa araw ng Biyernes, May 8, 271 ang nagawang swab test mula sa mga sumusunod:
– Manila Health Department – 85
– Gat. Andres Memorial Medical Hospital – 60
– Ospital ng Tondo – 20
– Justice Jose Abad Santos General Hospital – 20
– Ospital ng Sampaloc – 21
– Ospital ng Maynila Medical Center – 30
– Sta. Ana Hospital – 35
Samantala, umabot naman sa 7,807 ang naisagawang rapid test sa lungsod mula April 13 hanggang May 8.
Layon ng mga pagsusuri na agad matukoy ang kaso COVID-19 sa Maynila.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.