Dalawa pang pasyente, kabilang ang sanggol, gumaling na sa COVID-19 sa Baguio City
Naka-recover na sa COVID-19 ang dalawa pang pasyente, kabilang ang sanggol, sa Baguio City.
Napag-alamang positibo sa nakakahawang sakit ang sanggol na babae noong walong araw na gulang pa lamang noong April 25.
Ayon sa Baguio City Public Information Office, na-discharge na sa Pines City Doctors Hospital ang sanggol, Biyernes ng gabi (May 8).
Samantala, nakalabas na rin ng Baguio General Hospital ang 22-anyos na si Mae Anne Gabrielle Cachero. Si Cachero ay nagtatrabaho bilang nurse sa Medical Center.
Lubos ang pasasalamat ni Cachero sa mga medical worker na nag-alaga sa kaniya sa loob ng 17 na araw.
“This illness really affects everyone, the young, the old, the healthy, not healthy. Wala po siyang pinipili. Let us all help each other to fight COVID, lagi po tayong mag-iingat at sundin ang mga payo ng ating mga health officials,” pahayag pa ni Cachero.
Si Cachero ang ikalimang healthcare worker sa Baguio City na tinamaan ng COVID-19.
Sa kabuuan, umabot na sa 17 residente na ang gumaling sa COVID-19 sa Baguio City.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.