Ilang probinsya sa Luzon, makakaranas ng pag-ulan
Makakaranas ng pag-ulan ang ilang lalawigan sa Luzon, ayon sa PAGASA.
Sa thunderstorm advisory bandang 2:36 ng hapon, iiral ang katamtaman hanggang mabigat na buhos ng ulan na may kasamang kidlat at malakas na hangin sa Pampanga, Tarlac, Nueva Ecija at Bulacan.
Maliban dito, maaapektuhan din ng pag-ulan ang Zambales partikular sa San Marcelino, Castillejos, Botolan, Subic at Olongapo.
Sinabi ng weather bureau na mararamdaman ang pag-ulan sa susunod na dalawang oras.
Nagbabala ang PAGASA sa mga residente sa mga nabanggit na lugar na maging maingat sa posibleng pagbaha o pagguho ng lupa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.