Pagbubukas ng klase sa August 24, tuloy na

Inaprubahan ng Inter-agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID ang Basic education learning continuity plan ng Department of Education (DepEd).

Sa Laging Handa press briefing ni Presidential spokesman Harry Roque, sang-ayon ang IATF sa pagbubukas ng klase sa August 24, 2020 at magtatapos sa April 30, 2021.

Maaari naman aniyang mas mapaaga ang pagsisimula ng klase mga pribadong paaralan.

“Pagbukas ng klase sa private schools ay pupuwedeng mas maaga sa Hunyo pero wala pa pong face-to-face hanggang Agosto 24,” pahayag ni Roque.

Gagamitin muna aniya ng iba’t ibang learning delivery options tulad ng distance learning at home schooling.

Makakansela rin aniya ang mga extracurricular activities tulad ng school sports, campus journalism, job fairs at iba pa.

Read more...