Magnitude 5.8 na lindol, tumama sa New Zealand

By Kathleen Betina Aenlle February 14, 2016 - 11:28 PM

 

 

new zealand quakeGumuho ang isang bahagi ng bangin matapos yanigin ng magnitude 5.8 na lindol ang Christchurch, New Zealand.

Naganap ang lindol ala-1:13 ng hapon, Linggo, oras sa New Zealand.

Wala namang naitalang nasugatan o nasawi, pero dahil sa lakas ng lindol, naalog ang laman ng ilang mga establisyimento at ilang malalaking sasakyan.

Nagkaroon rin ng bahagyang malalaking bitak sa lupa.

Halos limang taon na ang nakalilipas, niyanig rin ng magnitude 5.7 na lindol ang east Christchurch noong February 22, 2011 kung saan 185 katao ang namatay dahil sa mga nagbagsakang mga bato sa beach.

Karamihan sa mga naging biktima noon ay pawang mga swimmers at surfers.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.