1.9M na bahay, 33 ospital nawalan ng kuryente dahil sa saranggola

Sa kabila ng pag-iral ng enhanced community quarantine (ECQ) dumarami ang insidenteng naitatala ng Meralco sa pagsabit ng saranggola sa linya ng kuryente.

Ayon sa Meralco, ngayong mayroong ECQ karaniwang sanhi ng naitatalang brownouts ay ang mataas na konsumo sa kuryente dahil marami ang nasa bahay at matindi ang ang init ng panahon.

Marami ding transformer at linya ang nag-overload na.

At ang mga saranggolang sumabit sa linya ng kuryente ng Meralco ay naging sanhi ng brownout para sa 1.9 million na bahay at 33 ospital.

Tiniyak naman ng Meralco na 24 na oras ang ginagawang trabaho ng kanilang linemen upang matiyak na agad maiaayos kapag nagkakaroon ng problema sa suplay ng kuryente.

Hinimok ng Meralco ang publiko na gawin ang sumusunod:

1. I-report at i-monitor ang status ng brownout sa Meralco Online. https://onelink.to/meralcomobile
2. Pagsabihan ang mga kapitbahay na nag sasaranggola
3. Maging masinop sa konsumo ng kuryente.

 

 

 

Read more...