Barko ng Navy lulan ang libu-libong PPE sets at KN95 masks galing China dumating na sa Davao City

By Dona Dominguez-Cargullo May 08, 2020 - 08:01 PM

Dumaong na sa Davao City ang BRP Bacolod City na may dalang libu-libong PPE sets at KN95 masks na galing sa China.

Dumating sa Sasa Wharf ang barko Biyernes (May 8) ng umaga.

Dala ng barko ang 200,000 Personal Protective Equipment (PPE) sets at libu-libo ring KN95 face masks.

Nagpatupad ng safety protocols sa pagdating ng barko at pagbaba ng mga crew nito.

Pinagunahan ng Bureau of Quarantine ang health screening sa lahat ng personnel ng BRP Bacolod City at wala ni isa sa mga ito ang nakitaan ng sintomas ng COVID-19.

April 21 nang magtungo sa China ang barko para kunin ang mga PPE at masks na binili ng pamahalaan.

 

 

 

 

TAGS: BRP Bacolod City, China, KN95 face masks, PPE sets, Sasa Wharf, BRP Bacolod City, China, KN95 face masks, PPE sets, Sasa Wharf

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.