Ayon sa pahayag ng Philippine Navy, nangyari ang sunog Huwebes (May 7) ng gabi.
Base sa inisyal na imbestigasyon, nagsimula ang sunog sa main engine room ng barko.
Agad namang naapula ang sunog sa loob lang ng 10-minuto.
Dalawang tauhan ng barko ang nagtamo ng second degree burns at agad dinala sa naval hospital sa Chochin.
Sa ngayon ay nagsasagawa na ng damage assessment ang mga engineer na lulan ng barko para matukoy kung kakayaning magpatuloy sa paglalayag ng barko o babalik muna sa pantalan sa India para magsagawa ng repair.
READ NEXT
WATCH: “Flattening the curve” statement ng DOH hindi kapani-paniwala ayon kay Sen. Risa Hontiveros
MOST READ
LATEST STORIES