Main engine room ng BRP Ramon Alcaraz nagliyab habang naglalayag pabalik ng Pililipinas galing India
Nagkaroon ng sunog sa BRP Ramon Alcaraz (PS16) ilang oras matapos itong maglayag galing sa Port of Cochin sa India pabalik ng Pilipinas.
Ayon sa pahayag ng Philippine Navy, nangyari ang sunog Huwebes (May 7) ng gabi.
Base sa inisyal na imbestigasyon, nagsimula ang sunog sa main engine room ng barko.
Agad namang naapula ang sunog sa loob lang ng 10-minuto.
Dalawang tauhan ng barko ang nagtamo ng second degree burns at agad dinala sa naval hospital sa Chochin.
Sa ngayon ay nagsasagawa na ng damage assessment ang mga engineer na lulan ng barko para matukoy kung kakayaning magpatuloy sa paglalayag ng barko o babalik muna sa pantalan sa India para magsagawa ng repair.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.