Hirit na isapubliko ang medical records ni Pangulong Duterte ibinasura ng Korte Suprema
Ibinasura ng Korte Suprema ang petisyon na humihiling ng pagsasapubliko ng medical records ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Supreme Court Public Information Chief Atty. Brian Keith Hosaka, ibinasura ng SC ang petisyon na inihain ni Atty. Dino De Leon.
Hindi pa naman nakikita ni Hosaka ang aktwal na resolusyon sa kaso.
Pero ayon sa source mula sa Korte Suprema, 13 mahistrado ang bumoto pabor sa pagbasura ng petisyon habang dalawa ang nag-dissent at ito ay sina Associate Justices Marvic Leonen at Alfredo Benjamin Caguioa.
Sa kaniyang petisyon, sinabi ni De Leon na dapat isapubliko ang health kondisyon ng pangulo dahil sa mga nagdaang pagliban nito sa mahahalagang events.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.