Publiko binalaan sa pagbili ng dalawang brand ng face mask
Binalaan ng Food and Drug Administration (FDA) ang publiko sa pagbili ng dalawang brand ng face mask.
Partikular na pinaiiwas ng FDA ang publiko sa pagbili ng brand na:
1. BioMask™ Flat+™ Medical Face Mask
2. RespoKare® Active Protection Mask Anti-Viral Mask
Ayon sa FDA hindi aprubado at mayroong misleading advertisements at promotion ang nasabing mga brand ng face mask.
Ayon sa FDA, ang ear loop facemask ay hindi nakapagpapagaling at lalong hindi nakapapatay ng virus at bacteria gaya ng influenza A at SARS at iba pang sakit.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.