LOOK: Negative pressure tents para sa COVID-19 patients itinayo sa Ospital ng Makati
Handa na ang dalawang negative pressure tents sa Makati City para sa COVID-19 patients.
Itinayo ang dalawang negative pressure tents sa ambulance bay ng pagamutan.
Layunin nitong maiwasan ang posibleng pagkakahawa ng ibang pasyente at frontliners sa sakit.
Ayon kay Makati City Mayor Abby Binay, ang Makati ang una sa Metro Manila na mayroong ganitong makabagong pasilidad.
Ang bawat tent ay may anim na intensive care unit beds, power supply, pressure sensors at alarms, lighting, filtration systems, LCD monitors, UV/HEPA air purification, toilet at shower, decontamination rooms, changing rooms, storage, at air-conditioning system.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.