22 pang Pinoy sa ibang bansa nasawi sa COVID-19 ayon sa DFA
Nakapagtala ng 22 na panibagong bilang ng mga nasawing Filipino sa ibang bansa dahil sa COVID-19.
Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA), sa kabuuan, umabot na sa 244 ang nasawi na mga Pinoy sa ibayong dagat dahil sa sakit.
Nakapagtala din ng 218 na panibagong bilang ng mga Pinoy na tinamaan ng sakit sa ibang bansa.
Sa ngayon ayon sa DFA, mayroon nang 2,140 ang kabuuang bilang ng mga Pinoy sa ibang bansa na timaan ng COVID-19.
Nananatiling ang Europa ang mayroong pinakamaraming kaso na 647, kasunod ang Middle East na mayroong 616 kaso, ang Americas ang ikatlo na mayroong 504 cases at ikaapat ang Asia Pacific na mayroong 373 cases.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.