Remedios Romualdez, Agusan Del Norte niyanig ng magnitude 4.1 na lindol

By Dona Dominguez-Cargullo May 08, 2020 - 03:44 PM

Itinaas sa magnitude 4.1 ang lindol na nauna ng napaulat na magnitude 3.6 sa bayan ng Remedios Romualdez sa lalawigan ng Agusan Del Norte.

Naitala ang pagyanig sa layong 11 kilometers northeast ng Remedios Romualdez alas 3:12 ng hapon ng May 8, araw ng Biyernes.

Ayon sa Phivolcs may lalim na 12 kilometers ang pagyanig at tectonic ang origin nito.

Naitala naman ang intensity 4 sa Cabadbaran, Agusan del Norte at intensity 3 naman Magallanes, Agusan del Norte; Butuan City.

Hindi naman ito inaasahang magdudulot ng pinsala at aftershocks.

 

 

 

 

TAGS: agusan del sur, Philippine Institute of Volcanology and Seismology, Remedios Romualdez, agusan del sur, Philippine Institute of Volcanology and Seismology, Remedios Romualdez

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.