Seremonya para sa pagreretiro ni SC Justice Andres Reyes idinaos online
By Dona Dominguez-Cargullo May 08, 2020 - 02:47 PM
Nagsagawa ng online retirement ceremony ang Korte Suprema para sa nakatakdang pagreretiro sa pwesto ni Supreme Court Associate Justice Andres B. Reyes.
Ibinahagi sa Twitter account ng Supreme Court Public Information Office ang screenshot ng mga mahistrado sa ginawang online retirement ceremony Biyernes (May 8) ng umaga.
Si Reyes ay nakatakdang magretiro sa May 11, 2020.
Dahil sa COVID-19 ang mga sesyon at deliberasyon ng mga mahistrado ng Korte Suprema ay idinaraos na rin online.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.