Pilipinas kaya nang makapagsagawa ng 12,000 COVID-19 tests kada araw
By Dona Dominguez-Cargullo May 08, 2020 - 01:43 PM
Labingdawalang libo na ang testing capacity ng Pilipinas sa COVID-19.
Ayon kay National Task Force COVID-19, deputy chief implementer Vince Dizon, kaya na ngayong makapagsagawa ng 12,000 COVID-19 tests kada araw.
Target ng pamahalaan na sa May 30 ay maiangat ito sa 30,000 tests kada araw.
Sa kabila ng pagkakaroon ng 12,000 na testing capacity ay 7,000 tests kada araw lamang ang naisasagawa sa ngayon.
Magtatayo din ng 50 pang laboratoryo ngayong buwan dagdag sa 20 nang testing laboratories sa bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.