800 empleyado ng gobyerno ipakakalat sa apat na mega swabbing facilities sa bansa

Aabot sa 800 empleyado ng gobyerno ang magmamando sa mega swabbing facilities na layong mas paigtingin ang testing capacity ng bansa.

Ayon kay Vince Dizon, chief implementer ng national policy against COVID-19, ang nasabing bilang ay mula sa iba’t bang ahensya ng gobyerno.

Sa memorandum ni Executive Secretary Salvador Medialdea inatasan nito ang lahat ng miyembro ng gabinete na magsumite ng listahan ng hindi bababa sa 100 staff na maaring maitalaga bilang encoders o barcoders.

Nanawagan din ang pamahalaan sa lahat ng health workers at medical students na mag-volunteer para sa mega swabbing facilities.

Tiniyak naman ni Dizon na bibigyan ng kompensasyon ang mga volunteer.

Mayroon din silang matatanggap na hazard pay sa ilalim ng Bayanihan to Heal as One Act.

Ang apat na mega swabbing facilities ay sa Philippine Arena sa Bulacan, Mall of Asia Arena sa Pasay City, Enderun Colleges sa Taguig City, at Palacio de Maynila Tent sa Roxas Boulevard.

 

 

 

 

Read more...