Pagbabawal sa mga senior at mga buntis na sumakay ng tren binigyang linaw ng DOTr

By Erwin Aguilon May 08, 2020 - 11:11 AM

 

Nilinaw ng Department of Transportation (DOTr) ang guidelines sa pagsakay sa mga tren kapag ipinatupad na ang limited operations.

Ayon kay Transport Assistant Secretary for Communications Goddes Libiran, hindi naman totally bawal sumakay ang mga senior citizen, buntis at mga nasa edad 21 anyos pababa sa mga tren.

Bagama’t pinapayuhan anya ang mga senior na manatili sa loob ng kanilang mga bahay naglabas naman ng exception ang Inter Agency Task Force.

Nakasaad kasi sa guidelines na kailangang manatili sa loob ng kanilang mga bahay ang mga senior citizen maliban na lamang kung kinakailangan ng pagkakataon.

Kabilang na rito, ang mga walang maaring utusan at kailangang bumili ng essential goods tulad ng gamot at makapagtrabaho sa mga industriya na pinapayagang mag operate.

Ang mga nasa edad 21 pababa, buntis at may karamdaman ay bawal ding lumabas ng bahay pero maaring lumabas kung bibili ng mga essential goods o kailangang magtrabaho.

TAGS: 21 anyos pababa, buntis, dotr, LRT 2, LRT1, MRT, senior citizens, Transport Assistant Secretary for Communications Goddes Libiran, 21 anyos pababa, buntis, dotr, LRT 2, LRT1, MRT, senior citizens, Transport Assistant Secretary for Communications Goddes Libiran

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.