PNoy, isusulong ang usapin ng West Philippine Sea sa US-ASEAN Summit

 

Uungkatin ni Pangulong Noynoy Aquino sa nakatakdang US-ASEAN summit ang usapin sa territorial dispute sa South China Sea.

Aalis si Pangulong Aquino bukas (February 15) patungong California, USA upang dumalo sa isang special summit sa pagitang Estados Unidos at mga lider ng 10-member Association of Sourtheast Asian Nations o ASEAN.

Si Presidente Aquino rin ang ‘leading advocate’ para sa legally binding code of conduct sa South China Sea, maging ang kahalagahan ng pagsusulong ng mapayapang venue para maresolba ang territorial disputes.

Layon ng naturang summit na patatagin ang kooperasyon sa political, economic at security issues sa ilalim ng bagong US-ASEAN strategic partnership.

Matatandaang inilunsad ito ni US President Barack Obama noong Nobyembre 2016 o sa 3rd ASEAN-US meeting sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Read more...