Niluwagan na ni California Governor Gavin Newsom ang stay-at-home order para mapabagal ang pagkalat ng coronavirus disease o COVID-19.
Ayon sa ulat ng Associated Press, pinayagan na ng gobernador ang pagbubukas ng retail businesses at manufacturers’ warehouses.
Nabatid na kinapos ng $53.4 billion ang budget ng California dahil sa COVID-19.
Pinag-aaralan din ng gobernador ang pagbubukas ng bookstores, clothing stores, florists at sporting goods businesses.
Sunod naman na pinag-aaralang buksan ang hair salons, gyms, offices at dining-in restaurants.
MOST READ
LATEST STORIES