Pressure ng SolGen dahilan ng pagpapalabas ng cease and desist order ng NTC vs. ABS-CBN – Speaker Cayetano

By Erwin Aguilon May 08, 2020 - 09:00 AM

Makalipas ang ilang araw na pananahimik nagsalita na rin si House Speaker Alan Peter Cayetano sa ginawang pagpapahinto ng National Telecommunications Commission o NTC sa operasyon ng broadcast giant na. ABS-CBN.

Sa kanyang pahayag sa kanyang Facebook account, sinabi ni Cayetano na nagulat ang lahat sa naging aksyon ng NTC kung saan lumalabas na nagpa-pressure ito sa Solicitor-General.

Kahit anya nagbigay na ang assurance sa Kamara ang regulatory na hindi hihinto ang opertasyon ng Lopez-led broadcast corporation at sa legal opinion ng Department of Justice ay naglabas pa rin ito ng cease and desist order.

Sabi ni Cayetano, “Despite their assurance given under oath. Despite the legal opinion of the Department of Justice. Despite a resolution from the Senate, and several verbal and written assurances given to Congress – the NTC appears to have succumbed to pressure from the Solicitor General, and issued a cease and desist order to ABS-CBN”.

Paliwanag nito na kabila ng ginawa ng NTC ay hindi pa rin naman nagbabago ang katotohanan na ekslusibong mandato ng Kongreso sa ilalim ng Saligang Batas ang mag-gawad, mag-deny, mag-extend, mag-revoke at mag-modity ng broadcast franchise.

Primary jurisdiction din anya ang Kongreso na magkaroon ng initial determination kung ang aplikasyon para sa legislative franchise ay pagbibigyan o hindi.

Giit nito, “While this unnecessarily complicates the issue, it does not change the fact that the exclusive Constitutional authority to grant, deny, extend, revoke, or modify broadcast franchises”.

Para anya sa mga nagtatanong kung ano ang gagawin ng kongreso sabi ni Cayetano, simple lamang-gagawin nila ang kanilang trabaho.

Magpapatawag anya ng pagdinig ang House Committee on Legislative Franchises kung saan ito ay “ fair, impartial, thorough, and comprehensive”

Iginiit din nito na sa simula pa lamang ng kanyang panunungkulan bilang speaker ay inilatag na nila ang priority measures ng Kamara at kabilang dito ang pagtalakay sa franchise renewal ng ABS-CBN.

Hindi rin anya huminto sa pagtatrabaho ang Mababang Kapulungan kahit na naka break sila sa loob ng dalawang buwan kung saan sa pangunguna ni Majority Leader Martin Romualdez ay gumagawa sila ang mga paraan upang malabanan ang covid-19.

Ninais anya ng Kamara na makahingi ng consensus sa executive department sa pamamagitan ng NTC at DOJ upang ma-address ang isyu ng ABS-CBN sa gitna nang pagharap sa mas mahahalagang problemang kinakaharap ng bansa.

TAGS: ABS-CBN, NTC, solicitor general, speaker cayetano, ABS-CBN, NTC, solicitor general, speaker cayetano

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.