Antas ng tubig ng Angat dam muling nabawasan sa magdamag

Nabawasan pa ang antas ng tubig ng Angat dam at iba pang dam sa Luzon sa nakalipas magdamag.

Ayon sa PAGASA-Hydrometeorology Division, ang antas ng tubig ng Angat dam ay nasa 189.08 meters alas-6:00 umaga ng Biyernes (May 8) mas mababa sa antas nito kahapon na 189.28 meters.

Nabawasan din ang antas ng tubig sa La Mesa dam na nasa 76.42 mas mababa sa antas nito kahapon na 76.46 meters habang bahagyang nadagdagan ang antas ng tubig ng Ipo dam na nasa 99.87 meters ngayong umaga mas mababa sa antas nito kahapon na 99.86.

Samantala, nabawasan din ang water level ng Ambuklao, San Roque, Magat at Caliraya dams.

Nadagdagan naman ang water level ng Binga dam habang nanatili naman sa 184.72 ang antas ng tubig ng Pantabangan dam.

Read more...