“Balik Probinsya, Bagong Pag-asa” Program boluntaryo lang ayon kay Senator Bong Go
Nilinaw ni Senador Bong Go na hindi sapilitan at boluntaryo lamang ang “Balik Probinsya, Bagong Pag-asa Program.
Ito ang programa na nag-aalok sa mga residente at negosyante sa metro mana na umuwi ng probinsya.
“Walang pilitan ito, hindi pwedeng pilitin ‘yung mga tao na umuwi na ng probinsya. Hinanda po ito para sa mga may gustong lumipat o umuwi na. Bibigyan sila ng gobyerno ng magandang oportunidad na magsimula ng maayos na pamumuhay sa kanilang mga probinsya pagkatapos ng COVID-19 crisis,” pahayag ni Go.
Ayon kay Go, marami na ang nagpahayag na gustong umuwi ng probinsya.
“Ang mga local government units ay naghahanda na rin po para tumanggap ng mga magsisibalikan para mabigyan sila ng sapat na tulong, pabahay, kabuhayan at iba pa,” pahayag ni Go.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.