Nasa labas pa rin ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang binabatayang low pressure area (LPA).
Ayon sa 4AM weather update ng PAGASA,huling namataan ang LPA sa 1, 055 kilometers East ng Davao City alas-3 ng madaling araw.
Ang LPA ang maaring pumasok na ng PAR ngayong umaga.
Ito ay kumikilos pahilagang-kanluran at may posibilidad na lumapit sa Eastern Visayas at magdulot ng mga pag-ulan sa susunod na Linggo.
Samantala,Easterlies naman o ang mainit na hangin mula sa dagat Pasipiko ang nakakaapekto sa Silangang bahagi ng Southern Luzon at Eastern Visayas ngayong araw ng Biyernes, May 8.
Maaliwas at mainit na panahon ang mararanasan sa malaking bahagi ng bansa mababa rin ang tiyansa ng mga pag-oulan sa bahagi ng Palawan at Ilocos region.
Sa natitirang bahagi ng Luzon kasama na ang Metro Manila ay Mainit at maalinsangang panahon din ang mararanasan ngunit may posibilidad ng mga panandaliang pag-ulan sa hapon o sa gabi dulot ng localized thunderstorm.
Sa Visayas at Mindanao ay maaliwas at mainit na panahon din ang mararanasan at may posibilidad din ng mga pag-ulan sa hapon o sa gabi.
Ayon sa weather bureau, mapanganib ang posibleng idulot kapag umabot sa 41 hanggang 54 degrees ang heat index sa isang lugar.
Maaari anilang maging sanhi ito ng heat cramps at heat exhaustion na posibleng mauwi sa heat stroke.
Dahil dito, payo ng PAGASA, dalasan ang pag-inom ng tubig at iwasan ang physical activity tuwing tanghali at hapon.
Samantala, wala namang nakataas na gale warning sa mga baybaying dagat ng Pilipinas kaya’t maaring maglayag ang mga mangingisda at may mga sasakyang pandagat sa mga lugar na inalis na ang enhanced community quarantine at kung may pahintulot ng Philippine Coast Guard (PCG).