Palimbang, Sultan Kudarat niyanig ng lindol

Naitala ang magnitude 3.0 na lindol sa lalawigan ng Sultan Kudarat.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 14 kilometers Northeast ng bayan ng Palimbang, alas-12:32 madaling araw ng Biyernes (May 8).

May lalim na 3 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Naitala naman ang instrumental intensity 1 sa Kiamba, Sarangani.

Wala namang naitalang pagkasira sa mga ari-arian at aftershocks.

Read more...