WATCH: Libreng Wi-Fi, sales, marketing events sa mga mall, bawal muna

Sakaling ideklara ang general community quarantine, ipagbabawal muna ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang pagbibigay ng libreng Wi-Fi, at pagsasagawa ng sales at marketing events sa mga mall.

Paliwanag ni Presidential spokesman Harry Roque, layon nitong maiwasan ang pagdagsa ng mga tao at para masunod ang tinatawag na ‘new normal.’

Maliban dito, dapat manatili lamang sa 26 degrees Celsius ang temperatura ng air-conditioned unit ng mall.

Narito ang buong ulat ni Chona Yu:

Read more...