Tatlong pasyente sa Western Visayas, gumaling sa COVID-19; Isang kaso, naitala rin
Naka-recover na ang tatlong pasyente sa COVID-19 sa bahagi ng Western Visayas.
Ayon sa Department of Health Western Visayas Center for Health Development hanggang May 7, umakyat na sa 34 ang total recoveries ng sakit sa nasabing rehiyon.
Kabilang sa bagong gumaling ang mga sumusunod:
– 28-anyos na lalaki mula sa Bacolod City
– 25-anyos na babae mula sa Barotac Nuevo, Iloilo
– 44-anyos na lalaki mula La Paz, Iloilo City
Ang isang bagong nagpositibong kaso naman ay 32-anyos na lalaki at residente ng Pavia, Iloilo.
Sa ngayon, nakasailalim ang bagong COVID-19 patient sa quarantine facility.
Sa kabuuan, umakyat na sa 96 ang tinamaan ng COVID-19 sa Western Visayas.
Samantala, 10 ang bilang ng nasawi sa rehiyon dahil sa nakakahawang sakit.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.