14 pang kaso ng COVID-19, naitala sa Maynila; Kabuuang bilang, nasa 811 na
Karagdagang 14 kaso ng COVID-19 ang naitala sa Lungsod ng Maynila.
Ayon sa MHD/MEOC COVID-19 monitoring hanggang 5:00, Huwebes ng hapon (May 7), umakyat na sa 811 ang bilang ng tinamaan ng nakakahawang sakit sa lungsod.
Sa nasabing bilang, 598 ang aktibong kaso.
Naitala ang pinakamataas na bilang ng COVID-19 case sa Tondo 1 na may 131 cases.
Sumunod dito ang Sampaloc na may 118 na kaso ng nakakahawang sakit.
Samantala, 79 na ang itinuturing na probable cases sa lungsod habang 934 ang suspected cases.
Umakyat naman sa 136 ang naka-recover mula sa sakit sa Maynila at nanatili sa 77 ang nasawi dahil sa COVID-19 pandemic.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.