COVID-19 cases sa Navotas, umabot na sa 55

By Angellic Jordan May 07, 2020 - 11:57 PM

Nakapagtala ng isa pang kaso ng COVID-19 sa Navotas City.

Ayon kay Mayor Toby Tiangco, isang residente ng Barangay NBBN ang nagpositibo sa nakakahawang sakit.

Asymptomatic aniya o walang nakikitang sintomas sa pasyente.

Dahil dito, sa update ng Navotas City government hanggang 5:00, Huwebes ng hapon (May 7), 55 na ang confirmed COVID-19 cases sa lungsod.

Sa nasabing bilang, 22 ang naka-confine sa mga pagamutan o nakasailalim sa home quarantine.

Nanatili naman sa 16 ang naka-recover na residente ng lungsod at 17 ang pumanaw bunsod ng COVID-19 pandemic.

“Manatili sa bahay. Wag nang lumabas kung wala namang trabaho na pupuntahan o kailangang bilhin. Ito lamang ang paraan para hindi na makahawa at makapaminsala pa ang virus,” apela pa ni Tiangco.

TAGS: COVID-19 cases in Navotas City, COVID-19 monitoring, Inquirer News, latest news on COVID-19, Mayor Toby Tiangco, Radyo Inquirer news, COVID-19 cases in Navotas City, COVID-19 monitoring, Inquirer News, latest news on COVID-19, Mayor Toby Tiangco, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.