Isa pang doktor sa Bicol, nagpositibo sa COVID-19

Tinamaan ng COVID-19 ang isa pang doktor sa Bicol region.

Ayon sa Department of Health Center for Health Development – Bicol, sa 63 test results na lumabas sa araw ng Huwebes (May 7), 62 ang negatibo habang isa ang positibo.

Ang bagong kaso ay 64-anyos na babaeng doktor mula sa Daraga, Albay.

Unang nakaranas ng sintomas ng COVID-19 ang pasyente noong May 3.

Sa ngayon, naka-confine na ang doktor sa Bicol Regional Training and Teaching Hospital.

Dahil sa bagong naitalang kaso, umakyat na sa 50 ang confirmed COVID-19 cases sa Bicol region.

Sa nasabing bilang, walo ang naka-admit sa mga pagamutan habang tatlo ang naka-quarantine.

Narito ang kaso ng COVID-19 sa mga sumusunod na lugar:
– Albay – 41
– Camarines Sur – 8
– Catanduanes – 1

Nasa 35 naman ang naka-recover at apat ang pumanaw bunsod ng COVID-19 pandemic.

Read more...