Ayon sa huling datos mula sa Department of Health Center for Health Development Region 4A (DOH CHD 4A), araw ng Huwebes (May 7) pumalo na sa 1,058 ang bilang ng mga tinamaan ng virus sa rehiyon.
Narito ang bilang ng mga nagpositibo:
Cavite – 216
Laguna – 319
Batangas – 116
Rizal – 335
Quezon – 72
Nasa 288 na ang bilang ng mga nakarecover kung saan nakapagtala ng 36 na bagong recoveries.
Narito ang bilang ng mga nakarecover:
Cavite – 71
Laguna – 74
Batangas – 50
Rizal – 72
Quezon – 21
Nanatili sa 121 ang bilang ng mga nasawi sa lalawigan dahil walang naitalang bagong kaso ng mga pumanaw ngayong araw.
Narito naman ang bilang ng mga nasawi sa mga lalawigan:
Cavite – 25
Laguna – 25
Batangas – 19
Rizal – 45
Quezon – 7