Bagyong Egay humina… Signal No. 2 sa siyam na lugar sa bansa

egay 5pm(updated) Bahagyang humina ang bagyong Egay matapos itong makatawid sa bahagi ng Northern Luzon.

Sa kabila ng paghina, nananatiling nakasailalim sa Public storm warning signal number 1 at 2 sa labinglimang lugar sa bansa

Batay sa 5PM weather bulletin ng Pagasa, huling namataan ang bagyo sa 55 kilometers West Southwest ng Laoag City, Ilocos Norte.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 85 kilometers kada oras at pagbugsong aabot sa 100 kilometers kada oras. Mabagal pa rin ang kilos ng bagyo sa 9 kilometers kada oras.

Nakataas ang public storm warning signal number 2 sa Batanes, Cagayan kabilang ang Calayan at Babuyan group of Islands, Apayao, Kalinga, Ilocos Norte, Ilocos Sur at Abra.

Habang signal number 1 naman sa Pangasinan, Isabela, Benguet, La Union, Mt. Province and Ifugao.

Pinaalalahanan naman ng Pagasa ang mga residente sa Metro manila, Mimaropa at Calabarzon na maging alerto sa posibleng pagbaha at landslide dahil sa pag-ulang hatid ng habagat.

Sa Miyerkules ng tanghali ay inaasahang lalabas na ng basa ang bagyo.

Samantala, alas 5:30 ng hapon ay nagpalabas ng Heavy rainfall warning ang Pagasa mga lalawigan ng Bataan, Batangas, Cavite at Zambales. Light hanggang moderate na pag-ulan naman ang mararanasan sa Metro Manila, Rizal, Laguna, Nueva Ecija, Tarlac at ilang bahagi ng Pampanga at Bulacan./ Dona Dominguez-Cargullo

Read more...