Bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa Laguna umabot na sa 328

Muling nadagdagan ang bilang ng nagpositibo sa coronavirus disease o COVID-19 sa lalawigan ng Laguna.

Base sa huling datos ng Lokal na pamahalaan ng Laguna, pumalo na sa 328 ang kabuuang kaso (Huwebes, May 7 5:00 PM).

Ang mga lugar na may kumpirmadong kaso ng COVID-19 ay ang sumusunod:

San Pedro – 53
Los Banos-40
Calamba – 32
Biñan – 31
Santa Rosa – 29
Cabuyao – 21
Santa Cruz – 19
San Pablo – 18
Bay – 14
Pila – 11
Calauan – 8
Liliw – 6
Lumban – 6
Victoria – 6
Nagcarlan – 6
Pagsanjan – 5
Kalayaan – 4
Majayjay – 4
Alaminos – 4
Cavinti – 2
Paete – 2
Pakil – 2
Magdalena – 2
Famy – 1
Mabitac – 1
Rizal – 1

Sa nasabing bilang 68 pa ang naka-admit sa mga ospital, 59 ang sumasailalim sa home quarantine at 171 na ang naka- recover.

Nasa 30 naman na ang bilang ng nasawi, 1,026 ang suspected cases at 70 ang probable cases sa lalawigan.

Read more...