Iginagalang ng Palasyo ng Malakanyang ang pagdulog ng ABS-CBN sa Supreme Court (SC) para humirit ng temporary restraining order kaugnay sa cease and desist order ng National Telecommunications Commission (NTC).
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, karapatan ng ABS-CBN na maghanap ng legal na pamamamraan para makabalik na sa operasyon.
“Thats their right. Lets await decision of the Court,” pahayag ni Roque.
Sa ngayon, mas makabubuti aniya kung hihintayin na lang muna ang magiging desisyon ng kataas-taasang hukuman.
Una rito, sinabi ni Roque na hindi dapat si Pangulong Rodrigo Duterte ang dapat na kalampagin ng ABS-CBN kundi ang Korte o ang Kongreso.
Sa ngayon, nakabinbin pa sa Kamara ang panukalang batas na magrerenew sa prangkisa ng ABS-CBN na una nang napaso noong May 4.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.