Aabot sa 18,000 mula sa 46,000 na pamilya sa Pasay City ang nakatanggap na ng pinansyal na ayuda mula sa Social Amelioration Program (SAP).
Ayon kay Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano, katumbas ito ng 40 percent mula sa kabuuang bilang ng mga benepisyaryo ng mga pamilyang naapektuhan dahil sa coronavirus disease o COVID-19.
Ayon kay Rubiano, malaking tulong din ang pagpapalawig ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa deadline ng pamamahagi ng SAP.
Mula sa May 7, ginawang May 10 ang deadline ng DILG sa Local Government Unit (LGU) para ipamahagi ang pinansyal na ayuda.
Pinapayuhan naman ng alkalde ang mga senior citizen at mga may kapansanan na magpadala na lamang ng kanilang mga kinatawan sa pagkuha ng pinansyal na ayuda.