outbrain

Madonna tinamaan ng COVID-19

May 08, 2020 - 04:45 AM SHARE(S):

Kinumpirma ni Queen of Pop Madonna na nagpositibo siya sa coronavirus disease o COVID-19.

Sa instagram post, sinabi nito na ito ang dahilan kung kaya kinansela niya ang kanyang concert sa Paris noong Pebrero.

Sa ngayon, sinabi ni Madonna na wala namang dapat na ipag-alala ang kanyang mga fans dahil maayos na ang kanyang kalusugan.

Matatandaang isang beses lamang nakapag concert ang 61 anyos na singer noong Pebrero 22 sa Grand Rex matapos idahilan ang kanyang umanoy injuries

Pagkatapos nito, kinansela na ni Madonna ang dalawa pa sanang nakatakdang concert matapos ipagbawal ng French authorities ang mga malakihang konsyerto dahil sa COVID-19.

TAGS: COVID-19, Health, Madonna, Queen of Pop Madonna, COVID-19, Health, Madonna, Queen of Pop Madonna

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.