Bilang ng pulis na tinamaan ng COVID-19, 115 na

Nagpositibo na rin sa COVID-19 ang isa pang pulis sa Pilipinas.

Sa update ng Philippine National Police Health Service hanggang 6:00, Huwebes ng gabi (May 7), umabot na sa 115 ang bilang ng pulis na tinamaan ng nakakahawang sakit sa bansa.

Nanatili sa apat ang bilang ng nasawing pulis bunsod ng COVID-19 pandemic.

47 PNP personnel naman ang naka-recover mula sa nakakahawang sakit.

Samantala, 422 sa hanay ng pambansang pulisya ang ikinokonsidera bilang probable case habang 385 ang suspected cases.

Read more...