Payo ng DOH sa mga atletang Pinoy, huwag mabahala sa Zika Virus

 

Inquirer file photo (2015)

Pinayuhan din ng Department of Health o DOH ang mga atletang Pilipino na patungo sa Rio de Janeiro, Brazil para sa 2016 Summer Olympics na panatilihin ang focus sa kanilang training at hindi sa banta ng Zika virus.

Ayon kay DOH spokesperson Lyndon Lee Suy, nais nila para sa Filipino athletes na huwag mabahala sa Zika virus habang naghahanda sila sa kanilang kumpetisyon at upang makamit nila ang medalya.

Mula August 5 hanggang 21, libu-libong atleta mula sa iba’t ibang panig ng mundo ang inaasahang dadagsa sa Rio de Janeiro para makibahagi sa 2016 Olympics.

Nilinaw naman ni Lee Suy na hindi pa maglalabas nag DOH ng rekumendasyon para sa participating Filipino athletes sa Olympics.

Subalt pag-aaralan at imomonitor aniya ng ahensya ang sitwasyon sa South America, lalo na sa Brazil kung saan may Zika infection outbreak na.

Sakaling patuloy ang pagtaas ng kaso ng Zika sa naturang bansa, maaaring hindi nila pahintulutan ang mga atleta; pero kapag under control na, hindi raw nila pipigilan ang mga manlalaro na bumiyahe sa Brazil.

Read more...